Drama sa lansangan sa kasagsagan ng welga

MARAMING pelikula at drama ng bayan ang napanood at narinig habang isinasagawa ang tigil pasada at protestang bayan kahapon.

May nakapagtataka, may nakatatawa at may nakatataas ng kilay.

oOo

Unahin natin ang nakatataas ng kilay.

May libreng sakay na nakapuwesto sa Cubao, Quezon City na alok ng militar sa pamamagitan ng mga trak militar. Napagod na sa kakakaway ang bata ni Kiko Tolentino sa mga tao para sumakay sa military trak pero walang may gusto.

Doon sa mga dyipni sila sumasakay kahit magbayad pa sila. Bakit nga ba?

oOo

Sa parteng Pasay-Parañaque naman, nabuwisit ang mga dyipni drayber sa libreng sakay na inialok sa mga pasahero.

Akala kasi ng mga ito, titiba sila sa hindi nila pagsali sa tigil-pasada.

Pero nabokya sila dahil sa libreng sakay.

oOo

Sa Lungsod ng Caloocan, por eksampol sa parteng Monumento, nagbunyi sa libreng sakay sa trak ni Heneral Nick Bartolome ang mga pasahero.

Kaiba ito sa nangyari sa libreng sakay na alok nina Heneral
Eduardo Oban Jr.

Mababaw sigurong sabihin na oki ang mga parak ni Manong Nick at hindi ang mga sundalo ni Kuya Eddie. Hek! Hek!

oOo

Sa mga lalawigan, ang mga sangay ng mga alerdyik sa protesta na samahan ng mga dyipni sa Metro Manila ay sumali sa mga protesta ng Piston ni Ka George San Mateo.

Kasi naman, may dagdag na sina PNoy na  P5-P6 na EVAT kada litro, ganitong halaga rin ang pagtataas ng presyo ng petrolyo sa kanila.

Sino ba naman ang hindi sasali sa protesta kung pareho ang mga kompanya ng langis at pamahalaan sa pagpapahirap sa kanila?

Kailan kaya mauulit ang ganitong mga eksena ng pelikula at drama?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply