Drayber kulong sa pangmomolestiya

KULONG ang isang drayber na nangmolestiya ng dalagitang kapitbahay sa loob ng silid ng huli sa Caloocan City Lunes ng madaling araw (Setyembre 12).

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Arturo Cedones, 41, residente ng Tulya St., ng lungsod.

Sa pahayag ng dalagita, 13, dakong alas-4:00 ng madaling araw, natutulog siya sa loob ng silid sa kanilang bahay nang magising dahil may humihimas sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Nang magmulat ay nakita ang suspek sa kanyang tabi dahilan para siya ay magsisigaw.

Agad na tumakas ang suspek na tumalon mula sa bintana. Naunsyami ang pagtakas nito dahil sa mga rumorondang barangay tanod na nagbitbit sa suspek sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply