Dried fish dealer hinoldap na tinodas pa

PATAY ang isang 45-anyos na negosyante matapos itong holdapin at barilin ng ‘di nakilalang lalaki Sabado ng umaga, Setyembre 17, sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktima na nakilalang si Jonel Arbulado, dried fish dealer/businessman.

Ayon kay PO2 Barnardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:55 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Kalakal st., panulukan ng Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo, Maynila.

Nabatid na kumakain umano ang biktima sa isang karinderya sa lugar nang lumapit ang suspek at biglang inagaw ang cluth bag ng biktima.

Ayon sa pulisya, posible umanong minamanmanan na ng suspek ang biktima sa kanyang pamimili ng dried fish sa lugar at nang magkaroon ng pagkakataon ay naisakatuparan nito ang kanyang pakay.

Maari rin umanong nanlaban o tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang clutch bag kung kaya binaril ito ng suspek sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya sa pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply