Drilon duda sa P1.9-B Pamana Program ng DILG

DUDA si Sen. Franklin Drilon sa implementasyon ng Pamana Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagkakahalaga ng P1.9 bilyon dahil walang detalyadong listahan ng mga benipisaryo ng proyekto.

Ayon kay Drilon, dapat makapagsumite muna ng detalyadong listahan ng benepisaryo ng programa ng ahensiya hinggil sa Payapa at Masaganang Pamayanan o Peacefull and Resilient Communities (Pamana) program na isinusulong ng DILG at iba pang ahensiya.

“Nais natin na suriin nang mabuti kung magkakaroon tayo ng reyalistiko at detalyadong budgeting ng pondo sa halilp na ibigay nang lump sum dahil magkakaroon ng maraming puwang ang tagapagpatupad ng malaking pondo,” giit ni Drilon.

Kasalukuyang sinusuri ngayon ng Senate finance committee ang panukalang P1.816 trilyong pambansang badyet sa 2012 partikular ang Pamana program na ipinatutupad ng DILG.

Orihinal na ipinatutupad ang Pamana program ng Office of the Presidenital Adviser on the Peace Process (OPAPP) na may inilaang P1.9 bilyon. Sa bahagi ng DILG component ng programa, may inilaan na P968.9 milyon at ibinahagi ang natitira sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), P586.7 milyon; Department of Agrarian Reform (DAR), P17.6 milyon, at OPAPP, P329.3 milyon.

Gagamitin ang pondo sa naturang programa sa proyektong pangkaunlaran tulad ng pagtatayo ng imprastruktura at kabuhayan sa 165 lungsod at munisipalidad sa 20 conflict-hit provinces.

Gayunman, sinabi ni Drilon na pabor naman siya sa paglalaan ng P1.9 bilyon para sa programa sa isang nag-iisang item sa badyet.

“There should be no problem with that. we can put it under one fund and have a special provision in the budget which will say that the implementation will be done through the DILG, DAR, OPAPP and DSWD,” ayon kay Drilon.

“It should only be under one fund so that when we analyze it, we just look at one fund. There are four agencies that will have to respond but insofar as the Senate is concerned, there is only one fund,” giit ni Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply