Driver nakainom : tanker sumalpok sa Osmena bridge

ISANG tanker ang bumangga sa Osmena brdige sa Makati makaraang mawalan ng kontrol ang driver nito na umaming nakainom ng limang bote ng alak.

Nagtamo ng ilang galos at sugat ang driver na si Rolly Marte kung saan wasak ang windshield nito at natumba pa ang isang poste sa lakas ng impact ng pagkakasalpok nito.

Bumalagbag sa south bound lane ng tulay ang naturang tanker.

Kakasuhan ng imprudence to damage and property ang naturang driver.

Wala namang langis na karga ang naturang tanker ngunit tumagas din ang gasolina nito dahil sa lakas ng pagkakasalpok.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply