Driver, pahinante ng truck itinapon sa Rizal

PINIRINGAN at iginapos ng masking tape ang driver at dalawang pahinante ng isang delivery truck bago itinapon sa bayan ng Rodriguez ng mga hijackers kaninang madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, nakilala ang mga biktima na sina Wilbert Palacpac, 41, may asawa, driver, resident eng Balalong Santor, Bantay, Ilocos Sur; at Arnel Amister, 20, at Edgar Dela Criuz, 19, na kapwa residente ng Pagburiahan, Vigan, Ilocos Sur.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw ng madiskubre nang mga nagpapatrolyang barangay tanod ang  mga biktima sa Don Mariano Extention (Zigzag road), Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na ang mga biktima ay inihulog lamang sa masukal na bahagi ng nasabing lugar at hindi magawang makakilos dahil sa higpit ng gapos sa kanilang mga kamay at paa at hindi rin makasigaw dahil sa tape sa kanilang mga bunganga.

Nauna rito ay hinarang ang sinasakyan nilang kulay green na Isuzu Forward truck na may plakang TQO-579 na naglalaman ng glasswares sa Bonifacio Avenue cor. Sgt, Rivera st., Barangay La Loma, Quezon City ng mga armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng uniporme ng pulis.

Nabatid pa na ang anim na suspek ay nakasakay sa isang  puting Toyota Revo na walang plaka at pawang armado ng kalibre .45 at M-16 armalite rifles.

Ayon sa mga biktma ang  mga kargamento ay galing ng Sta. Cruz, Manila at nakatakdang dalhin sa Vigan, Ilocos Sur nang maganap ang pangha-hijack.

Ang mga biktima ay dinala sa himpilan ng Quezon City Police District kung saan naganap ang krimen. Jhie Convocar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply