Driver utas sa nakagitgitang magdyowa

TIGOK ang isang jeepney driver matapos tubuhin at barilin ng nakagitgitan ng sasakyan na mag-asawa at isa pa sa Caloocan City Sabado ng gabi, Setyembre 24.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at dalawang tama ng bala sa bibig si Ruben Villavicencio, 44, ng Cabatuhan Road, Deparo, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Julie Mabalot, 42, habang nakatakas ang mister na si Jovito, 45 at pinsan na si Rodolfo dela Rosa, pawang ng Yakal St., Deparo.

Sa ulat, dakong 9:15 ng gabi, pumapasada ng jeep ang biktima nang makagitgitan ang mga suspek sakay ng Toyota Corolla (TDM-107) sa Cabatuhan, Deparo.

Hinarang ng mga suspek ang biktima at nilapitan sabay palo ng tubo ni Jovito habang nagbunot ng baril si Dela Rosa at pinutukan ng dalawa sa bibig.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek subalit nadakip si Julie sa isinagawang follow-up operation habang nakatakas ang magpinsan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply