Drug testing sa mga driver ipinatatanggal

DAGDAG lamang sa gastusin at pabigat  sa drivers ang pagsasailalim sa  kanila sa drug testing bago makakuha ng driver’s license.

Ito ang dahilan ni 4th district -Cebu Rep.  Benhur  Salimbangon sa isinulong na House  Bill  1023  sa  Kamara  na naglalayong hindi na para sa lahat  kundi tanging mga  may  criminal records, pending  court cases  o kaya  ay traffic  violation citations ang dapat sumailaim sa  drug testing na  isasagawa ng Land Transportation  Office  (LTO).

Nais ng panukala na amendahan ang  Republic Act 9155 na mas kilala sa  Comprehensive  Dangerous  Act of  2022 upang  tanggalin na bilang  requirement  ang  drug  testing  sa mga  nag-aaplay  o kaya  nagre-renew  ng  driver’s license.

Sinabi ni Salimbangon, hindi na  naman nakatutulong sa paglutas ng mga  problema  ng  droga ang ipinatutupad na  drug testing  sa loob na ng maraming taon kaya  marapat lamang na tanggalin na ito.

Tinukoy nito ang ginawang pag-aaral ng  Dangerous Drugs Board, na tanging  0.4  porsyento ang  napatunayang  positibo  sa  ilegal na droga  ang  ginawang  drug testing.

Kinuwestiyon din ni Salimbangon ang maraming  bilang ng nagsulputang  drug testing  centers sa maraming  parte ng bansa dahil sa  mga  napapaulat na ilan sa mga ito ay  may  pekeng accreditation.

Iginiit ng  solon na hindi na  dapat istorbohin ang isang taong wala namang   masamang  record  sa lipunan sa pamamagitan ng drug  testing.

Nagpahayag  naman  ng hindi pagpabor  si Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula sa panukalang abolisyon sa drug testing  dahil  sa  dulot ng panganib sa lansangan ang taong  nasa impluwensya ng  droga.

Nakasaad  ito sa naging position paper ni Gatdula na kanyang isinumete sa  house panel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply