DSWD naglaan ng P62-M para sa biktima ni ‘Pedring’

INANUNSYO ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglalaan sila ng mahigit sa P62-milyon relief funds para sa mga biktima ng typhoon “Pedring.”

Sinabi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na ipamamahagi ang pondo para sa mga biktima ng bagyo na nakatira sa National Capital Region at regions 4A, 4B at 5.

Na-monitor anila ang preemptive evacuation sa Region 5 at nakapagbigay na sila ng libu-libong sako ng bigas sa ilang lugar sa nabanggit na rehiyon.

Naglaan ang DSWD ng P662.5 milyon bilang standby funds para pagsamahin ang pondo ng local government units sa panahon ng natural calamities o disasters.

Noong Agosto 31, naipamahagi ng DSWD ang halos kalahati o P351.6 milyon.

Ang bagyong Pedring ay lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong gabi sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Pilipinas at nag-iwan ng 18 patay.

Nadiskaril ang mass transport at milyong residente ang dumanas ng kawalan ng suplay ng kuryente sanhi ng ibinugang malakas na hangin at walang patid na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, isa sa mga isinailalim sa Signal No. 2 kahapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply