DTI pupulungin ang manufacturers ng sardinas

MAKIKIPAGPULONG ngayon (Biyernes, Setyembre 9) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Sardines Association of the Philippines (SAP) kaugnay sa planong pagdadagdag ng P1 sa kada lata ng sardinas.

Ang pagtaas ng presyo ng limang brand ng sardinas ay alinsunod sa pag-apruba ng DTI sa hinihirit na dagdag presyo ng limang manufacturers na magiging epektibo ngayong Setyembre

Sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya, sumulat na ang grupo noon pang Agosto para iabiso ang naturang plano pero hanggang 30 sentimo lang ang ipinaabot nitong dagdag-presyo.

Una nang iginiit ng grupo na nagmahal ang presyo ng isdang tamban, ang isdang ginagawang sardinas, mula sa P22 kada kilo, umaabot na ito ngayon sa P27.

Katumbas anila ito ng dagdag na P100 kada kahon o P1 kada lata ng sardinas.

Anim na porsiyento o katumbas ng 25 hanggang 30 sentimos kada lata ang hinihinging dagdag presyo ng apat na sardines manufacturers habang 75 sentimos naman ang isang manufacturer.

Dahil dito, mula sa kasalukuyang P12.25 na presyo nito, ito ay magiging P13.25 bawat lata.

Ipinaliwanag naman ni Maglaya na sa pag-aaral ng ahensiya ukol sa hinihiling na dagdag presyo ng mga manufacturer ay nakitaan nilang may sapat na dahilan ang mga ito upang magtaas ng presyo.

Ang mataas umanong halaga ng gas na ginagamit sa fishing vessel gayundin ang mataas na presyo ng isda tulad ng tamban na siyang ginagamit sa paggawa ng sardinas ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng sardinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply