Dumagat tribe kid na dinukot sa Quezon ipinahahanap

UMAAPELA sa mga residente ang isang Franciscan priest sa Quezon province para makakuha ng impormasyon sa kinaroroonan ng isang Dumagat tribe teenager na dinukot ng hindi nakikilalang armadong kalalakihan noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Fr. Pete Montallana na si Demer Morada, hindi na nakita pa simula noong Agosto 24 nang hindi umuwi sa kanilang bahay sa Barangay Bonifacio sa Burdeos town.

“Morada was last seen in Pegitna at 2 a.m. of August 24, wearing yellow green sleeveless shirt, cream corduroy short pants, and blue rubber sandals when he was taken into a boat by the armed men,” isang ulat na ililabas sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) news site Huwebes ng umaga (Setyembre 8) .
Ayon kay Montallana na nakkisalamuha sa mga  Agtas (isang tribal group) sa loob ng 18 taon sa lugar, may anim na armadong kalalakihan na umano’y mga miyembro ng military ang maaaring may kagagawan sa pagkalawa ni Morada .

Samantala, umapela si Montallana sa awtoridad para sa pagkasa ng independent investigation sa posibleng “enforced disappearance” ni Morada at siguruhin na ang pamilya nito ay ligtas sa anumang kapahamakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply