Dumating na sa GenSan: Shamcey Supsup nakalmot ng fans

DAHIL pinagkaguluhan ng mga fans si 2011 Miss Universe 3rd Runner-up Shamcey Supsup nang iparada ito sa General Santos City, nagtamo ito ng kaunting gasgas sa braso na hindi sinasayang nakalmot ng hindi nakilalang fans na nag-aabang sa kanya sa tabing-daan.

Ayon sa report sa radyo, nakasuot si Shamcey ng puti at asul na backless gown matapos palitan ang brown na gown pagkatapos bumaba ng private plane.

Kasamang sakay ng float ni Shamcey ang kanyang mga magulang na si Timoteo at inang si Marcy Supsup kasama sina GenSan City Mayor Darlene Antonino-Custodio at Rep. Pedro Acharon Jr.

Hindi naman inalintana ng napakaraming tao ang sobrang init ng sikat ng araw habang nag-aabang sa tabi ng daan para makita lamang si Shamcey.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply