Duterte ayaw sa ‘Balikatan’

GINUGULO ng Amerika ang lungsod ng Davao upang mapabago ang desisyon ng alkalde rito na pumayag na idaos ang “Balikatan” military exercises ng mga puwersang Kano at Pinoy na ginaganap taun-taon.

Ayon kay Vice Mayor Rodrigo Duterte, lumabas sa Wikileaks na inuugnay si Duterte ng US Embassy sa mga pagsabog at pambobomba na naganap sa Davao City kung saan 35 katao ang nasawi.

Nais umanong pag-awayin ng Amerika ang mga Moro at Kristiyano na namumuhay na magkasama sa lungsod ng tahimik at kung magkagayon ay may katwiran silang makialam sa “military operation” kontra sa mga inaakala nilang mga terorista.

Nakumbinsi lalo ang bise alkalde sa “covert operations” ng US sa Davao City ng isang pagsabog ang naganap sa hotel room ng isang Amerikano noong Mayo 16, 2002,kung saan nasugatan si Michael Meiring at naospital habang binantayan ng mga lokal na pulis.

Lumabas sa imbestigasyon na ang bomba na sumabog ay pag-aari ni Meiring kung kayat kinasuhan ito sa Regional Trial Court ng Davao. Makaraan ang ilang linggo ng pagsabog ay iniulat ng pulisya na may dumating na mga ahente ng Federal Bureau of Investigation sa ospital at kinuha ng mga ito si Meiring.

May mga impormasyon na inilipad na ito palabas ng bansa patungong Singapore bago tumuloy ng US.

Lumabas din sa Wikileaks na iniimbitahan ng US Embassy si Duterte upang tanungin sa mga pagsabog at extra -judicial killings sa Davao subalit iniiwasan umano ni Duterte ang mga imbitasyon.

Aminado naman si Duterte na ayaw niyang pagbigyan ang US Embassy dahil hindi umano siya mayor ng Washington DC para magpaliwanag sa mga kano.

Ang malaking dahilan umano kaya ayaw ni Duterte, maging ng kanyang anak na si Sara na siyang alkalde ngayon, ang pagdaraos ng Balikatan sa Davao ay dahil anuman ang mangyari kung saan masangkot ang mga sundalong Kano, ay hindi sagutin ng pamahalaang US.

Katulad ng sundalong kano na si Smith na itinakas ng US Embassy matapos manggahasa ng isang Pinay. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply