E-trike inilunsad sa Naga City

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Naga ang isang alternatibong sasakyan na tutuguon sa suliranin sa air pollution.

Ang e-trike ay gawa ng isang Bikolano mula sa Pili, Camarines Sur, na naglalayong magkaroon ng alternatibong transportasyon na matugunan ang matagal ng problema sa air pollution.

Ang e-trike ay ideya ni Engr. Gabriel Zamudio, Jr,. managing director ng Enzolutions.

Maliban sa pagiging matipid nito ay malaki rin ang maitutulong ng nasabing sasakyan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Hindi ito nagbubuga ng nakalalasong kemikal dahil wala itong tambutso at gumagamit lamang ng electrically charged batteries upang umandar.

Ang paglulunsad ng e-trike ay isang adhikain ni Zamudio para makatulong na malutas ang suliranin sa ating kalikasan.

Buo naman ang suporta ni Mayor John Bongat sa naturang proyekto dahil masuwerte ang lunsod ng Naga na mapili bilang isa sa mga pilot sites ng naturang sasakyan.

Ayon sa pag aaral, makatitipid ang e-trikes ng mula lima hanggang anim na litro ng gasolina. Ang pag kakarga naman sa bateriya bawat araw ay aabutin lamang ng Php45 hanggang Php60 lamang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply