Eagles dinaig ang Bulldogs

MULING pinatunayan ng Ateneo Blue Eagles ang husay at galing sa basketbol nang talunig muli ang National University Bulldogs sa ikalawang pagtutuos sa second round ng 74th season ng UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum Sabado ng hapon (Setyembre 3).

Sa iskor na 61-39 ay dinaig ng Katipunan cagers ang Legarda based squad.

Si Nico Salva ay kumamada ng 14 na puntos at limang rebound. Nag-ambag naman si Kurt Long ng sampung puntos, dalawang rebound at isang assist. Nagtala ang Ateneo ng field goals na umabot sa 60 porsiyento sa laro.

Ang NU naman ay bumagsak sa 25 turnovers.

napanatili ng Ateneo ang kanilang malinis na record na 13-0, at papalapit sa inaasam na 14-0 na makukuha ang trice-to-beat advange.

Sa pagkatalong ito nfg NU ay sumadsad sila sa team standing, 4-8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply