Eagles, Falcons magdadagitan

PATAASAN ng ere ang defending three-time champion Ateneo Blue Eagles at Adamson U Falcons para sa kanilang huling laro sa elimination round ng 74th UAAP men’s basketball Big Dome bukas ng hapon (Sabado, Setyembre 10).

Tangka ng Eagles na dagitin ang 14 wins para sa malinis na karta habang ang makakatunggaling Falcons sa ikatatlo ng hapon ay pipiliting tukain ang huling twice-to-beat advantage sa semifinals.

May perfect 13 wins ang Ateneo habang nasa solo second spot ang Adamson na may 9-4 win-loss slate.

May posibilidad pang mawala sa No. 2 spot ang Falcons dahil nasa likuran nila ang last year’s runner up Far Eastern U Tamaraws at University of Santo Tomas Growling Tigers na may parehong 8-5 panalo-talo karta.

Kahapon, (Huwebes Septyembre 8) kahit alam ng Tigers na pasok na sila sa Final Four ay pinilit pa rin nilang makasakmal ng panalo upang makahabol sa huling twice-to-beat advantage sa semifinals.

Sinagpang ng Tigers ang Tamaraws, 77-73.

Bago maglaro ang Tigers ay nakapasok na sila sa F4 matapos matalo ang La Salle Green Archers sa National U Bulldogs, 56-40.

Nangalabaw ng double-double si 6-foot-8 Cameroonian Karim Abdul sa kanyang 20 points at 13 rebounds para sa Tigers at pati na rin ang kapwa rookie na si Kevin Ferrer na may 19 markers at 12 boards.

“Gusto nilang manalo kaya naka-focus sila hanggang sa huli.” sabi ni UST coach Pido Jarencio.

Sa unang laro, maglalaban ang pareho ng laglag sa elimination na University of the Philippines Fighting Maroons at University of the East Red Warriors.

Standings (Win-Loss)
-*Ateneo – 13 0
*Adamson – 9 4
*UST – 8 5
*FEU – 8 5
xLa Salle – 5 8
xNU – 5 8
xUP – 2 11
xUE – 2 11
* clinched Final Four seat
– clinched twice-to-beat advantage
x eliminated\

Mga laro bukas;
(Big Dome)
1:00 p.m. – UP vs UE
3:00 p.m. – Ateneo vs Adamson

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply