Economic managers ni PNoy binira ni Angara

PINASARINGAN ni Senador Edgardo Angara ang economic managers ni Pangulong Noynoy Aquino sa pagsasabing kulang ang investments ng pamahalaan para mapaangat ang ekonomiya.

Sa budget hearing ng Senado sa pondo ng Department of Finance, sinabi ng senador na masyadong nag-aalala ang Malacañang sa budget

deficit sa halip na atupagin ang pag-angat ng ekonomiya.

Tinukoy ni Angara ang P1.8 trillion na pondo na nakatago lamang sa bangko, ayon sa Bangko Sentral na umano’y sobra-sobra ang pera pero mangilan-ngilan lamang ang economic activities ng pamahalaan.

Dagdag pa ng senador, marami rin umanong nakaimbak na pera sa mga government corporations tulad ng Philhealth na maaari sanang gamitin  sa mga proyektong maglilikha ng maraming trabaho at lalong magpapalago ng ekonomiya.

Nauna nang sinabi ni Senador Joker Arroyo na mistulang takot ang Aquino administration na gumastos samantalang panay taas naman ang mga pangunahing bilihin at bayarin ng taong bayan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply