Elevated highway planong itayo sa EDSA

PLANO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng elevated highway sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Ito ang binigyang diin ni Public Works and Highway Secretary Rogelio  Singson sa ginanap na pagdinig ng Senado sa kanilang  panukalang P109.63 billion budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Singson, layunin nitong mabawasan ang usad pagong na trapiko sa  EDSA.

Paliwanag pa ni Singson, anim na lane ang planong itatayong kalsada sa itaas ng EDSA na may  mga exit ramp sa Makati City, Quezon City at Green Hills, San Juan.

Sa inisyal na pag-aaral ng DPWH, mas mataas ng 50 porsiyento ang guguguling pondo nito kumpara sa skyway project na umabot sa P2 bilyon kada kilometro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply