Embahada ng US, Canada sarado dahil kay ‘Pedring’

SUSPENDIDO na rin ang opisina ng embahada ng United States at Canada sa Maynila dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong “Pedring.”

Sa update sa travel advisory sa Pilipinas, sinabi ng Foreign Affairs and International Trade Canada na ang kanilang embahada ay sarado dahil sa bagyo.

“Canadians should exercise caution, monitor local news and weather reports, and follow the advice of local authorities. The Embassy of Canada in Manila will be closed on September 27, due to the storm,” ayon sa advisory.

Nag-anunsiyo na rin maging ang US Embassy na sarado ang kanilang mga opisina ngayong araw.

“Due to worsening weather conditions, the U.S. Embassy is closed today, Tuesday, September 27, 2011,” ayon sa kanilang facebook account.

Kahapon (Setyembre 26) ay una nang nagpasabi ng “emergency message” ang embahada na  kailangang i-secure ng mga citizens ang kanilang travel documents at ipaalam sa kanilang mga kamag-anak sa US ang kanilang kinaroroonan.

“In the event the typhoon affects where you live, locate shelter, monitor media reports, and follow all official instructions. Carry your travel documents at all times (i.e. U.S. passport, birth certificate, picture ID’s, etc.) or secure them in a safe, waterproof location. You should also contact friends and family in the United States with updates about your whereabouts,” ayon sa account.

Hinikayat din ng embahada na makinig sa radio,manuod ng tv o magmonitor sa  http://metocph.nmci.navy.mil, www.typhoon2000.ph, or www.pagasa.dost.gov.ph.

Dapat din silang komunsulta sa “Hurricane and Typhoon Season” page ng Bureau of Consular Affairs website.

Maari naman mag-update ng impormasyon ng pagbiyahe sa Pilipinas sa Department of State  sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-888-407-4747 sa United States at Canada o  mula overseas sa numero  1-202-501-4444.

“These numbers are available from 8:00 am to 8:00 p.m., Eastern Time, Monday through Friday (except U.S. federal holidays),” ayon pa sa advisory.

Ang mga US nationals ay kailangan din umanong magmonitor sa embassy website para sa update imformation  kapag pansamantalang ipinasara ang embahada dahil sa sama ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply