Erik Santos nagmukhang ‘basang sisiw’ nang umalis sa poder ni Boy Abunda

THIS is what we’ve observed, parang “basang sisiw” si Erik Santos nang minsang nag-guest ito sa isang show sa Zirkoh-Morato. Dati-rati, nakasanayan na namin siyang may alalay o kasama ang road manager.

But that particular night, tahimik lang siya sa isang table na malapit sa amin na walang pumapansin.

Aba, parang wala na siyang dating sa kanyang pagkanta at pati sa kanyang kakarampot na spiel ay wala sa puso. Clueless talaga kami na may ‘hiwalayan blues’ na sila ng kanyang ex-manager na si Boy Abunda ng Backroom.

Can you beat this, magwawalong taon na pala si Erik sa pamamahala sa kanya ng Backroom Inc. Hence, ikinagulat ng marami ang bigla nitong pag-alis sa nasabing kompanya.

The last time we had a chat with the King of TV Talk ay nasabi nitong wala na sa kanyang pangangalaga ang mang-aawit at semi-retire na siya sa Backroom only to serve as consultant.

Ayon sa kanya, it’s now the right time para pakawalan nila si Erik. May panagalan na ito at kaya na nitong i-book ang kanyang sa sarili sa mga shows. What he only needs, mga taong tutulong sa kanya sa pagma-manage ng kanyang karir.

Sa isang interbyu, inamin ni Erik na mahirap sa kanya ang paghihiwalay nila ng da- ting manager dahil hindi lamang manager at kaibigan ang turingan niya dito kundi tatay na rin.

So far maganda ang pagpapaalaman ng mga parties involved. Maganda ang naging pagpa- paalaman ni Erik sa kanyang manager at ganun din sa staff ng Backroom nang nagkaha- rap-harap sila. ‘Ika nga, no bitterness.

Ayon kay Erik, kaya siya umalis ay dahil sa semi-retirement ni Boy Abunda sa Back- room para itoon ang panahon sa inang may karamdaman.

“Dahil po roon, kasi po, nag-usap-usap po naman kami. Kinausap din po pati yung mga artists, and for now hindi na talaga sila magma-manage.” paliwanag ni Erik.

Sa ngayon ay hindi pagma-manage ng talents ang prayoridad ng Backroom kundi pagbo-book ng shows. As in, posibleng kukuha sila ng ibang artists kung ito ang demand ng kliyente.

Hawak na ngayon si Erik ng Star Magic at Cornerstone Talent Management Center.  Kahit wala siyang expectation sa kanyang nilipatan pero masaya siya sa ginawang pag-welcome sa kanya nitong nakaraang September 3.

Surely, mami-miss ng mang-aawit ang ginawang pangangalaga sa kanya ng Backroom but with Star Magic and Cornerstone, matatapatan din ang excellent way na ginawa sa kanya ng Backroom. But that still remains to be seen, ‘ika nga.  Santambak ‘ata ang talents sa kanyang nilipatan.

But what is this we heard? Wala pang kontratang pinirmahan si Erik sa kanyang ma- nagement group. But on the contrary, hindi naman bago sa kanya ang ganitong sestima dahil wala rin naman siyang pinirmahang kontrata sa Backroom kundi based on trust and friendship lamang ito. So, usapang-lalaki ito?

***

Dr. Calayan alam kung sino ang nasa likod ng ‘paninira’ sa kanya

MATAGAL din naming hindi pinagpapansin ang ‘nega’ issue kay Dr. Manny Calayan dahil sa totoo lang clueless din kami sa pangyayari.

Ang malinaw lang sa amin ay totoong ‘closed clinic’ ang kanyang Beverly Hills  branch dahil niloko siya ng isang dating business partner at ito ngayon ang naghahanap ng butas ayon sa nasagap naming balita.

In town ngayon si Doc Manny and kahit sa text ang aming pag-uusap, ramdam ko na masaya siya dahil tuloy ang suporta sa kanila ni Dra. Pie ng ating mga kababayan sa kanilang Calayan Esthetics Hollywood sa Los Angeles.

Masaya silang mag-asawa at katunayan ay patok ang kanilang on-going promo ngayon sa USA ang Early Fall Promo, “Non-Surgical Inch Loss Program.”

Gusto sana namin siyang tanungin sa mga negative issues. Kung may problema ito, bakit maluwag sa kanya ang magpabalik-balik from Philipines to Los Angeles and vice-versa.

Wala pa rin nabago! Gan’un pa rin ang kanyang regular routine, two weeks dito sa Dahil sarado na ang dating clinic, heto na ang kanilang bagong numero sa Hollywood: (310) 598-9369.

Huli pala ako sa balita!

Kalokah, one week to go ang kanilang Rainy Days Anniversary Promo na Buy 1, Take 1″ for this month of September. Kaya sa mga gustong mag-avail ng kanilang promo, tuma- wag sa 845-0015 & 332-0970.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply