Erik Santos walang utang na loob?

HINDI pala naging maayos ang paghihiwalay ng Backroom talent agency (partikular ang mga may-ari nitong si Boy Abunda) at ng mang-aawit na si Erik Santos. Tama lang siguro na nagsalita na itong si Tito Boy ukol sa paglipat ni Erik sa ibang manager dahil sa hindi naman pala maayos ang ginawang pagpapaalam nito sa Backroom. Ang ikinagalit ni Tito Boy kaya ito nagpa-interbyu sa mga movie press ay ang pagtataray daw ng dating talent matapos niyang kausapin ang isang singer na magpapa-handle sana sa Backroom at sabihin nito sa naturang mang-aawit kung bakit sa Backroom pa ito magpapa-manage?

Parang minamaliit daw ni Erik ang Backroom at ang mga taong nasa likod ng nasambit na talent agency na naunang nag-aruga at naging daan ng kanyang pagsikat.

Sa totoo lang, kahit ipinamana na ni Tito Boy ang nasabing talent management agency sa mga tauhan niyang mapagkakatiwalaan, natural lamang na masaktan ito at ipagtanggol ang matagal niyang inalagaang talent agency.

Kunsabagay, noon pa ma’y batid na naming bait-baitan lamang itong si Erik. Na ang totoo, nasa loob lamang talaga ang kanyang kulo.

Samantala, marami talaga ang nag-react sa naging pahayag ni Jinkee Pacquiao na umano’y magbibigay siya ng isang mamahaling bag doon sa kung sino man ang makapagbibigay sa kanya ng tamang impormasyon na may ibang babae na namang kinalolokohan ang asawa niyang si Congressman Manny Pacquiao.

Biglang yaman daw kasi itong si Jinkee kaya naman sobrang yumabang ito at kahit nga raw sa mga kababayan niya sa Gensan ay matapobre ito dahil sa hindi na ito nakiki- bagay roon sa mga dati niyang kapitbahay at kaibigan.

Dati naman daw, mabait sa kanila itong si Jinkee noong panahong nangangalap pa lang ito ng boto para sa asawa n’yang tumakbong congressman.

Sobrang nakabibingi ang pananahimik ni Vice Ganda ukol sa isyung pangmamaliit nito sa mga baklush na Wonder Gays.

Siguro natatakot siya sa resbak sa kanya ng mga matataray na PRO ng LDG productions na s’yang nagma-manage sa career ng mga Wonder Gays. Ayon sa kanilang manager na si Lito de Guzman, may concert sa Oct. 18, 2011 ang grupo sa Zirko Tomas Morato, QC. Guest ng nila ang Mocha Girls, Polo Ravales, Aaron Villena, Baron Geisler, Frank Garcia and Cris Lawrence.

Ang title ng concert nila ay May Nagtweet.

Siguradong bongga ang concert na ito ng Wonder Gays dahil mga guwapo ang guests nila. Sino kaya ang mahuhubaran at huhubaran sa mga hunks na ito na sina Polo, Aaron, Frank, at Cris ng mga baklush?

Bukod sa concert, abala rin ang mga bading sa pag promote ng album na Blind Item na malapit ng mag-gold record. Kahit si Madir Lito na manager ng grupo ay sobrang natuwa sa mga naging resulta sa mga record bar ng benta ng album nila.

Tinanong din namin ang Wonder Gays sakaling magpakita sa kanila si Vice Ganda sa Zirkoh ngayong Oct. 18 sa concert nila. Isang malutong na halakhak lamang ang naging tugon sa amin ng mga jokla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply