Eroplano bumagsak sa Bulacan

BUMAGSAK ang isang single engine na eroplano sa may bukirin sa isang rice field na may lulan ng dalawang pasahero sa Poliland, Bulacan kaninang alas-11:50 ng tanghali, Setyembre 21.

Nabatid na ligtas naman ang dalawang sakay ng eroplanong RPC-7087 na kinabibilangan ng piloto at pasahero nito.

Galing ng Pinabatan, Bulacan ang nasabing eroplano ng isang flying school.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang sakay na ngayon ay nakabalik na sa naturang flying school.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply