Eroplano nagpira-piraso; 3 nasawi, 75 sugatan sa Nevada

NASAWI ang tatlo habang nasugatan naman ang may 75 katao makaraang bumagsak ang eroplanong kalahok sa air show sa Reno, Nevada, USA.

Batay sa report ng Associated Press (AP), bumagsak sa grandstand na puno ng manonood ang vintage World War II era fighter plane kung saan tumilapon ang mga duguang katawan ng tao at debris ng eroplano.

Ayon kay Mike Hougton, President at CEO ng Reno Air Races, kabilang sa mga namatay ang piloto ng P-51 Mustang na si Jimmy Leeward, 80, ng Ocala, Florida.

Nabatid na nasa third lap na ang air show nang mawalan ng kontrol ang piloto.

Nagpira-piraso ang naturang eroplano nang bumagsak ito sa grandstand.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply