Mga estudyante nag-planking pa vs budget cut

NAG-WALK-OUT muli ang mga iskolar ng bayan sa kanilang mga klase at nag-planking (pagdapa sa kalsada) bilang protesta sa napipintong pagtapyas sa badyet ng state universities and colleges (SUCs) para sa 2012.

May 1,000 estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) sa Laguna ang umalis sa kanilang mga klase upang magmartsa at mag-planking sa loob ng campus bilang pagtutol sa pagtatapyas ng badyet ng SUCs.

Nasa 300 estudyante naman ng UP Diliman sa Quezon City ang nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila matapos ang “almusal ng bayan” sa lobby ng Palma Hall sa UP.

Sa UP Manila, binalewala ng mga estudyante ang departmental pharmacy exams at lumabas ng klase para makiisa rin sa Mendiola sa pagsasagawa ng “protestival.”

Sinabi ni National Union of Students of the Philippines (NUSP) Secretary-General Vanessa Faye Bolibol, kabilang sa mga makikiisa sa mga UP student sa Mendiola ay ang iba pang iskolar ng bayan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Philippine Normal University (PNU), Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Rizal Technological University (RTU), Marikina Polytechnic College at Technological University of the Philippines (TUP). Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply