Estudyante patay sa bumigay na tulay

ISANG estudyante ang namatay habang apat naman ang nasagip matapos na bumigay ang isang tulay sa Quezon province habang nagka-camping kaninang umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Ericson Velasquez, PNP provincial director ng Macalelon, Quezon ang biktima na si Abigail Palo, 4th year student ng Macalelon High School, na nalunod nang mahulog sa ilog.

Ligtas naman sa kapahamanakan ang apat na estudyanteng hindi na nakuha ang mga pangalan na nagtamo lamang ng sugat at gasgas sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:45 ng umaga sa isang tulay sa Macalelon.

Bago ito, nagkakasa ng limang-araw na pagka-camping ang may 50 estudyante ng naturang eskuwelahan sa lugar nang bigla na lamang bumigay ang tinatawiran nilang tulay.

Sinasabing may 15 talampakan ang taas ng tulay na pinaghulugan ng mga biktima at pagbagksak nila sa ilog ay tinangay sila ng malakas na daloy ng tubig.

Hinala ng pulisya na maaaring tumama ang ulo ni Palo kaya nang makuha ito sa ilog ay wala ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply