Ex-Abra Gov. Valera absuwelto sa gun charges

PINAWALANG-SALA ng Quezon City Regional Trial Court si dating Abra Gov. Vicente Valera sa kasong illegal possession of firearms kaugnay pa rin sa kasong pagpatay sa katunggali sa politika na si Abra Rep. Luis Bersamin, Jr.

Sa ipinalabas na desisyon, ipinaliwanag ng korte na hindi maaring gamiting ebidensiya laban kay Valera ang narekober na armas sa kaniya, dahil iligal umano ang pagkakarekober dito ng mga awtoridad.

Batay sa rekord ng kaso, inaresto ang former governor matapos makuha sa posisyon nito ang hindi lisensiyadong .45-caliber Colt pistol, ilang oras matapos mapatay si Bersamin noong December 2006.

Lulan si Valera noon ng isang sasakyang walang plaka.Pero ayon sa korte, invalid umano ang ginawang paghuli kay Valera dahil wala umanong pinaghahawakang warrant ang mga pulis nang siya ay harangin.

Taong 2006 ng tambangan si Bersamin, kapatid ni Supreme Court Justice Lucas Bersamin at driver/bodyguard nitong si SPO1 Adelfo Ortega habang ang mga ito ay nasa loob ng Mount Carmel Church sa New Manila, Quezon City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply