Ex-FG kakaladkarin pa sa P660M behest loans

HINDI pa man nakakahulagpos sa sunod-sunod na eskandalo at problema sa kalusugan, muling makararanas ng matinding stress si dating first gentleman Mike Arroyo sa isasagawang pagbusisi ng Senado sa P660 milyong behest loan sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, itutuloy sa susunod na linggo ang  imbestigasyon ng Senado sa P660 milyong behest loan ng DBP na kinasasangkutan ng kaibigang negosyante ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Iginiit ni Lacson na unang isasalang sa pagdinig ang mga dating miyembro ng board ng DBP na nagpalusot ng kuwestiyonableng pautang kay dating Trade Minister Roberto Ongpin.

Tiniyak din ni Lacson na isasalang sa mga susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at ng banks, financial institutions and currencies, ang sinasabing kaibigan ni Mike Arroyo na si Ongpin na kamakalawa ng gabi ay nagsalita sa ANC para itanggi na ginamit niya ang mga Arroyo para makautang sa DBP.

Duda naman ang senador sa naging denial ni Ongpin dahil ‘open-secret’ naman sa business community kung gaano ito kalapit sa dating administrasyon.

Nitong Agosto 5, isinampa ng DBP sa pamamagitan ng kanilang chairman na si Jose Nunez at president Francisco del Rosario Jr. ang criminal at administrative case laban sa dating board sa pangunguna nina chairman Patricia Sto. Tomas, president Ray David at Ongpin kaugnay ng P 660 milyong loan na ipinagkaloob ng DBP sa kumpanya ni Ongpin na Delta Ventures Resources Inc. (DVRI) noong 2009.

Ginamit ni Ongpin ang pera upang makabili ng P50 milyon shares ng Philex Mining sa DBP sa P637.5 milyon o P 12.75 kada share.

Makalipas ang isang buwan ay ibinenta niya ito kay Philex Chairman Manuel Pangilinan sa P 21.00 bawat share.

Bukod sa mga posibleng paglabag sa banking laws, aalamin din ng joint committee kung nagkaroon ng ‘insider trading’ at paglabag sa Securities Code dahil noong panahon ng bentahan ng shares ay parehong director ng Philex sina Ongpin at David.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply