Ex-military comptroller tatagal pa sa NBP’s hospital

TINATAYANG tatagal pa sa New Bilibid Prisons (NBP) Hospital si dating military comptroller Major Gen. Carlos Garcia.

Iniulat ni NBP officer-in-charge Supt. Richard Schwarkohf, na maliban sa naunang limang araw na bahagi quarantine procedure para sa mga bagong inmates, kailangan din umanong obserbahan ang kalusugan ni Garcia matapos tumaas ang blood pressure nito sa 160/80.

Sa ngayon umano ay nanatili si Garcia sa kanilang ward kung saan kasama nito ang 40 pang mga bilanggo.
Tiniyak naman ng opisyal na kagaya ng mga regular na inmates, sumusunod naman umano si Garcia sa mga penitentiary rules gaya ng pagsusuot ng kulay orange na NBP t-shirt.

Ayon naman kay NBP Hospital Chief Dr. Ernesto Tamayo, nasa “strict diet” umano si Garcia at kasama din sa morning routine exercises ng mga bilanggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply