Ex-RTC judge, 27 taon kulong sa katiwalian

HINATULAN na ng Sandiganbayan Special Second Division ng 27 taong pagkakulong ang dating RTC Judge Valentino Tablang, ng Tacurong, Sultan Kudarat kaugnay sa tatlong kasong katiwalian na isinampa sa kanya.

Ito ay matapos mapatunayan ng Sandiganbayan na may pagkakasala si Tablang sa paghingi at pagtanggap ng pera mula sa isang akusado sa kasong hinawakan.

Bagamat umapela si Tablang sa Sandiganbayan dahil sa kanyang edad bukod pa ang pagkaka-disbar sa kanya sa Korte Suprema ay hindi rin ito napagbigyan ng Korte.

Batay sa naging reklamo kay Tablang, nag-ugat ang kaso noon pang 1993, kung saan sinasabing nagpapa-gasolina si Tablang na hindi niya binabayaran ng may 9 na buwan dahil ang may-ari umano ng gasolinahan ay may kaso sa kanyang  sala.

Sa hiwalay na kaso, napatunayan ding nangikil si Tablang ng P12,500  mula sa isang litigant kapalit ng pag-alis ng injunction sa pagtatayo ng isang gusali.

Ang ikatlong count ng graft ay kaugnay naman ng pangungupit ng P40,000 mula sa pondo na nasa kanyang kustodiya dahil sa isang pending na kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply