Expedition ni senador, pinalitan ng karag-karag

MUKHANG kinakapos na sa buhay ang isang mambabatas o sadyang nagpapanggap lamang o nagpapakaawa-awa epek lang matapos na magpalit ng kanyang sasakyang pang serbisyo mula sa kanilang tahanan patungong Senado.
Kung dati-rati’y ang kanyang sasakyan ay luxury vehicle na Expedition ngayon ay katulad na lamang ng sasakyan ni Sarah Geronimo.
Maging ang sasakyan ng kanyang back-up ay talagang nagbago at bumaba na rin ang klase ng sasakyan.
Alam n’yo ba na ng minsan siyang tumakbo sa local position ay naka-bullet proff pa ang kanyang sasakyan subalit ngayong mambabatas na ay biglang bumaba ang uri nito.
Subalit ng tuklasin ni matang kuwago ng Remate ang dahilan na kaya pala nagpalit ng mababang klase ng sasakyan ang mambabatas ay dahil umaangal na ito sa mahal ng gasolina.
Akalain mong dalawang libo mahigit ang gasolina ng kanyang Expedition samantalang ngayon ay umaabot lamang ng isang libo. Saan ka ba sir nanggagaling at sobrang laki ng nako-konsumo mo, sa probinsya pa ba? He he he he.
At maging ang mga alalay ng mambabatas ay unti-unti na ring nababawasan dahil kung dati ay isang damakmak ang galamay nito ngayon ay iilan na lamang.
Pati nga pagkain ng kanyang mga alalay ay tipid at limitado na lamang ngayon hindi katulad ng dati.
Mukhang sobrang pagtitipid ng mamba-batas na ito, siguro ay may iba itong pinagkaka-gastusan o baka naman may sinusustentuhan na iba bukod sa kanyang tunay na pamilya nag-tatanong lang poh sir.
Clue ang mambabatas na ito ay isang tunay na lalaki patunay lang ang kanyang pagiging matinik sa babae na pinatunayan pa niya ng maanakan niya ang isang beauty queen o tiyak ko kilala na ninyo kung hindi pa.
Ito ang dagdag na tip sa karera ng mga kabayo 123.. Takbo…

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply