Export fees ng tuna binawasan ng DA

APRUB na kay Agriculture Secretary Proceso Alcala ang pagbabawas ng export fees na hiniling ng fishing federation sa Mindanao na humihingi ng 3 % bawas ng export fee ng tuna.

Isinagawa ni Alcala  ang anunsiyo sa ginanap na 13th National Tuna Congress sa GenSan, kung saan inaprubahan niya ang pag-amiyenda sa Fisheries Administrative Order (FAO) 233 na inilabas noong 2010, tungkol sa bayarin sa pag-iisyu ng export/re-export permits na may katumbas na 3% na kabawasan sa export value.

Lahat aniya ng isda na nahuhuli sa karagatan ng Pilipinas ay binawasan ng 0.2% .

Kaugnay nito, sinabi naman ni BFAR national director Asis G. Perez na ang pagbawas ng bayarin ay katumbas sa P1,650 o 0.2 percent na halaga ng isda na kapareho ng halaga ng wholesale price noong isang taon, mas mataas base sa price surveys ng DA’s Bureau of Agricultural Statistics (BAS).

Ang dating 3% export fee ay malaking pahirap aniya sa exporters, at lalo lamang nagpapataas ng halaga ng tuna na hindi na mabenta sa world market, ayon na rin sa SOCSKSARGEN Federation of Fishing and Allied Industries, Inc. (SFFAII).

Mahigit 60 % na nahuhuling tuna sa bansa ay nagmula sa General Santos City, kung kaya naging “tuna capital” ito ng Pilipinas .

Sa ngayon aniya, ang tuna industry sa bansa ay nahihirapan dahil sa umiiral na fishing ban ng Western and Central Pacific Fisheries Commission (WCPFC) mag mula pa noong January 1, 2010.

Noong isang taon, ang produksiyon ng tuna sa bansa ay umaabot sa 387,101 metric tons (MT), na mababa ng 9% kumpara noong 2008. At sa kabuuang commercial fish na nahuhuli na 70% o 271,625 MT,  mababa aniya ito ng 14% noong 2008, ayon na rin sa SFFAII.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply