F1 driver bibisita sa bansa

BIBISITA ang beteranong F1 driver na si David Coulthard sa bansa para sa promotion ng special edition David Coulthard TW Steel watch. Matagal nang nakakatrabaho ni Coulthard ang TW Steel brand mula noong siya’y nangangarera pa kaya naman ayon sa kanya, napapanahon na para magkaroon sila ng “collaboration.”

Nagsimula siya sa larangan ng karting at nakuha niya ang kanyang big break noong 1989 nang siya ay tanghaling Formula Ford Young Driver of the Year.

Taong 1994 ng magsimula ang Scottish driver na mangarera ng F1 bilang isang test driver para sa Williams team, at ng taon ding iyon ay lumahok na rin siya para sa Spanish Grand Prix.

Lumipat si Coulthard sa team McLaren at sa 2001 F1 GP, itinanghal siyang 2nd overall winner ng season na iyon.

Matapos magretiro sa pangangarera, si Coulthard ay isa ng sikat na commentator ng F1 races para sa BBC Network.

Ang TW Steel ay isang Dutch watch brand at ang special edition ni Coulthard ay personal niyang ilulunsad sa tindahan ng TW Steel sa The Podium sa Setyembre 26.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply