‘Face To Face’ ni Amy Perez mahina na kaya inilipat sa bagong oras

ASIDE sa naapektuhan talaga nang todo ang dating mataas na ratings ng “Face To Face” ni Amy Perez since maging pre-programming nito ang chakang showbiz program na “Juice-less Express” ni Manang Cristy Fermin at Shalalatsuk, nakauumay na rin kasi ang paulit-ulit na eksena na awayan ng mga kababayan natin sa iba’t ibang level ng problema, nag-decide si Pangitelyang Perci Intalan na ilipat na lang ang Face to Face at ginawa na itong panghapon.

Dati-rati noong wala pa si Bubog sa eksena at hindi ‘yung show niya na di nagri-rate ang sinusundan ni Amy aba’y super impressive talaga ang mataas nitong ratings na umaabot pa raw sa 35%. Pero ngayon dahil sa kamalasan ni Manang Cristy ay nangangamoy tsugi na sa lalong madaling panahon ang Face to Face.

Bakit ba kasi patuloy na nagtitawala pa BFF Pete A. itong si Percilito kay Madam Tulaers na si Bubog, knows na naman niya na no-rating TV host ito.

Hay naku! Mag-amiga kasi sila ni Percy at super closey na rin itong si Manang Cristy kay MVP kaya sipsipan galore gyud!

***

‘Maalaala Mo Kaya’ handog ang isang month-long special pata sa kanilang 20th anniversary

SA LOOB ng dalawang dekada, naging bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang longest-running, top-rating at multi-awarded drama anthology ng ABS-CBN, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK).

Sa paglipas ng panahon, ang MMK ay bahagi na ng buhay nang mga manonood. Kasama si Charo Santos bilang host, iba’t ibang henerasyon na rin ng mga manonood ang napa-ibig, napaiyak, napatawa at nabigyang pag-asa at inspirasyon ng mga kwentong buhay na tampok sa MMK.

Sa MMK Dalawang Dekada, isang two-hour documentary special ang ipinalabas sa Sunday’s Best noong Linggo kung saan tinutukan ng million viewers ang masayang chikahan nina Ma’am Charo at Batangas City Governor Vilma Santos kung paano naging saksi ang programa sa iba’t ibang mga pagsubok at tagumpay na pinagdaraanan ng mga karaniwang Pilipino. Bukod sa mga bigating artista, kasama sa mga pinananabikan ng mga viewer ang katapusan at aral na mapupulot mula sa buhay ng letter sender.

Sa katunayan, sa pagkahumaling ng mga Pinoy sa MMK, maging ang titulo nito ay pinaka-aabangan. Bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta, handog ng MMK ngayong buwan ng Oktubre ang limang de-kalibreng istorya na pagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na aktor at aktres sa Philippine showbiz ngayon.

Sa unang Sabado (October 1), kwento mula sa Palawan ang itatampok na pagbibidahan ni Angel Aquino bilang Bogs. Sa istorya, matatalakay ang isyu tungkol sa iligal na pagmimina sa Palawan at kung paano nito ‘minulat’ ang mga mata ng isang ina sa katotohanang kailangan siya ng kanyang pamilya. Sa panulat ni Ruel Montanez at direksyon ng Cannes Best Director Brillante Mendoza, kasama rin sina Yul Servo, Miles Ocampo, Paul Salas at Isabel Lopez.

Sa ikalawang Sabado ng MMK, tampok ang kwento ng tap dancing duo ng “Pilipinas Got Talent” Season 2, ang Happy Feet.

Ikukwento ang hirap na pinagdaanan ng magkapatid na Ramon at Bambi bago nila nagawang maipamalas sa buong mundo ang kanilang kakaibang talent. Sa panulat ni Joan Habana at direksyon ni Dado Lumibao, tampok sa ‘Bukidnon-Happy Feet’ bilang magkapatid sina John Prats at Nash Aguas. Gaganap bilang ama nila si Ariel Rivera.

Sa October 15 naman, bibigyang buhay ni Jake Cuenca ang karakter ni Louie sa episode na Barcelona. Ito ay kwento ng bading na si Louie at kung paano binuo ng pagpapatawad at pagtanggap ang samahan nila ng kanyang amang hindi matanggap ang kanyang kasarian.

Sa panulat ni Benson Logronio at direksyon ni Dado Lumibao, kasama sa ‘Barcelona’ sina Ricky Davao, Vivian Velez at Malou de Guzman.

Sa huling dalawang anniversary episodes na ipalalabas sa October 22 at 29, tiyak na mas mananabik ang mga loyal viewers ng MMK.

Kaya’t huwag palampasin ang bawat anniversary episode ng nag-iisang drama anthology na bumibihag sa puso ng mga Pinoy, ang Maalaala Mo Kaya, tuwing Sabado nang gabi. Para sa iba pang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply