Factory worker patay dahil sa tsinelas

PATAY ang isang factory worker matapos barilin ng roommate na sekyu matapos ang pagtatalo nang suutin ng huli ang tsinelas ng una sa Caloocan City Biyernes ng umaga, Setyembre 2.

Namatay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Felvin Mulle, 33, ng General Luis St., Kaybiga, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Richard Angoy, nasa hustong gulang.

Sa ulat, dakong 8 ng umaga, nagtatalo ang biktima at ang suspek sa loob ng tinutulugang kuwarto dahil sinuot ni Angoy ang tsinelas ni Mulle.

Nabuwisit ang suspek at kumuha ng baril bago pinutukan ang biktima at tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply