Factory worker sinaksak ng kainuman

KRITIKAL ang isang factory worker matapos itong dalawang ulit saksakin ng isang pidecab driver matapos silang magtalo sa isang inuman nitong Linggo ng gabi (Setyembre 18) sa General T. De Leon, Valenzuela City.

Ang biktma na nakaratay at ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng malalim na saksak sa tiyan at kaliwang bahagi  ng katawan ay nakilalang si Artum Dela Cruz, 29, ng No. 6129 Kalye Onse, Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Russel Doma, 33, ng Sitio Kabuhatan, Valenzuela.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nag-iinuman ang dalawa at sa hindi malamang kadahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hangang sa biglang nagbunot ng patalim si Russel at dalawang ulit inundayan ng saksak si Dela Cruz.

Agad dinala ang duguang biktima sa nasabing pagamutan at isang manhunt operation naman ang inilatag ng pulisya sa agarang ikadarakip ng suspek. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply