Fair kung magpresyo ng ‘TF’ si Ate Vi

PINABULAANAN ng Star for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang sinasabing nagtaas na rin ito ng T.F. sa ginagawang pelikula with Kim Chiu. Kaalinsabay ito ng tsismis na ang kaniyang karibal na si Orang ay sky-high din daw ang TF sa “El Presidente.”

“Basta kung ano yung (binigay) na t.f ko, worth ‘yun sa serbisyo ko. Kung ano lang yong hinihingi ko, hindi ako sumusobra. Pero, kailangan din, ‘pag hiningi ko, worth it naman, ” ani Ate Vi sa kaniyang serbisyo bilang aktres.

May pahabol pa ngang biro si Ate Vi, regarding isyung-TF,”Wag namang patalo at hindi naman ako aabuso,” aniya na if she works, “I will definitely deliver. I don’t promise, but I’ll deliver,” sey ni Ate Vi no’ng huli naming makatsikahan sa Mansion” sa Batangas.

Sa Laki sa Gatas event last Friday na ginanap sa Bago Bantay Elementary School, where Gov. Vilma Santos-Recto’s the guest speaker, naitsika nito sa isang preskon after the Bago Bantay event sa Bella Ibarra sa Quezon Avenue ang tungkol sa pagtakbo ng anak bilang mayor ng Lipa City, Batangas this coming national elections, 2013.

“(Ang Alam ko), Parang may interes si Luis,” pahayag ni ate Vi sa amin.

Kaya lang, may kondisyon siyempre ang Star for All Seasons sa napipintong pagpasok ni Luis sa pulitika.

“Gusto ko, kung ano yong ginawa ko, gagawin din niya.” diretsong pahayag pa ni Ate Vi. “Meaning, mag-aaral siya (Luis) at magti-take ng crash course ng Public Administration gaya ng ginawa ko.” aniya.

Ate Vi assures naman Luis na bukod sa suporta rito ng kanyang tito Ralph Recto, ng tatay niyang si Edu Manzano, kailangang may alam ang anak.

“Iba pa rin yong may napag-aralan pagdating sa Public Administration, kasi yon ang nangyari sa akin (na nag-aral din ng ganitong kurso).

“I will not encourage him, but i will not discourage him either, kung gusto niyang pumasok sa politics. Kung doon siya pupunta, I will support him all the way,” ate Vi assures.

***

ISA sa sumisikat nating young actor sa kasalukuyan ay si Neil Coleta, ang commercial model na nakilala sa ini-endorso nitong inuming pampalamig at mula sa nabanggit na exposure, naipasok siya sa numero unong teleserye ng bayan, ang “100 Days To Heaven,” kung saan siya’y isa sa mga mainstays.

From there, kinuha naman siya ng BNY Bunny Jeans para palakasin ang nasabing brand.

Malayu-layo na nga ang nararating ni Neil dahilan para sabihan siya ng mga fans na lumalaki na raw ang ulo nito dahil sa pang-iisnab nitong sumagot sa kaniyang Facebook/Fanpage account.

“Sa Twitter naman ako sumasagot,” bungad ni Neil sa BNY launch. Meaning, mas accessible sa kaniya ang pagsagot sa tweet kaysa sa mga emails?

“(But), Not all the times, nasasagot ko, kaya siguro minsan may nagtatampo. Pero, sinasabi ko naman sa kanila na nagtatrabaho ako. Kung hindi ko man sila masagot, may oras din ako for them. Sana, (nang dahil sa di pagsagot), huwag nilang sabihin na lumalaki ang ulo ko, or isnabero.” paliwanag pa ni Neil.

Neil is 18 years old at nakatapos lamang ng 2nd year college sa Adamson University taking up Infromation Technology.

“Dahil sa trabaho, kaya nag-stop ako, but I will still pursue my college kapag mababakante ako,” sey ni Neil.

Loveless daw siya ngayon. His first love came when he was 16 and to date, nakaka-five GFs na raw siya.

“Now, wala akong GF, naka-focus kasi ako sa trabaho ngayon. Gf, huwag muna. Masaya ako ngayon sa atensiyong ibinibigay sa akin ng ABS-CBN,” sabi pa ng young actor.

***

KUNG present lamang si Aling Dionisia Pacquiao sa preskon ng anak na si Manny Pacquiao sa MGM Arena sa USA, malamang na sinuntok din nito ang isang miyembro ng foreign press na diretsahang sinabihan ang anak na hindi ito marunong kumanta. In other words, hindi kagandahan ang boses ni Pacquiao.

Sinabihan kasi si Manny P. ng “lousy singer” ng isang taga-media roon .

But in fairness naman sa ating Pambansang Kamao, sinagot nito ang nagtanong with all sincerity and humility na,” I know I’m not a good singer,” etrcetera, etcetera.

Kumakanta lamang daw siya dahil gusto niya, hilig niya at marami namang nagkakagusto sa kaniyang kanta. Inawit ni Pacquiao ang Sometimes When We Touch sa nasabing prescon with Dan Hill himself na siyang composer ng song.

In fairness, andaming fans sa Amerika at sa buong mundo si Pacquiao kaya’t nasa consistent top 10 list ang duet nito with Dan Hill. Meaning, maraming nagkakagusto sa angking boses ni Manny.

Ang nasabing member ng press siguro ay nainsekyur kay Manny dahil bukod pa sa sikat itong boksingero, kumikita pa rin ito as a singer.

Oo nga. Di ba?

***

AS USUAL, umaarangkada na naman sa popularity votes ang ating pambatong kandidata sa Ms. Universe, si Ms. Shamcey Supsup. Gaganapin ang pinaka-prestigious event na ito tungkol sa pagandahan all over the universe sa Sao Paolo, Brazil Bukas, (Martes, Setyembre 13) at sa araw ding ito natin masasaksihan sa pinakahihintay nating coronation night.

For five consecutive years, naging tahanan ng Miss Universe pageant ang ABS-CBN kaya’t maaga pa lang bukas 9:30am, aarangkada na ang timpalak with primetime telecast sa free TV sa parehong araw sa Studio 23 sa ganap na 9:30 ng gabi.

Naroon na sa Sao Paolo, Brazil ang nanay ni Shamcey together with Bb. Pilipinas Charities chairman Mrs. Araneta for the support na kailangan ni Shamcey na nito lang Abril, 2011 nakoronahan as Bb. Pilipinas Universe.

Buo ang tiwala ng Pinoy kay Shamcey dahil matalino ang Magna Cum Laude graduate na ito from University of the Philippines-Diliman with a degree sa Architecture at bukod sa kaalaman ng lahat, nanguna ito sa June 2010 Architecture Licensure examination noong July, 2010.

Gaganapin sa Credicard Hall sa Brazil ang Miss Universe 2011, ang parehong bansa na napili para i-host ang 2014 World Cup at 2016 Summer Olympic Games.

Kabilang sa mga hurado ang Pinoy pride at tanyag na Braodway actress nating si Ms. Lea Salonga, along with Hello Castroneves, Isabeli Fontana, Vivica Fox, Adrienne Maloof at Amelia Vega.

With Lea S. around, tanghalin kayang pinakamagandang babae sa buong Universe si Shamcey?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply