Falcons dinagit ang Blue Eagles

PINUTOL Adamson Falcons ang pangarap ng Ateneo Blue Eagles na masungkit ang ika-14 na panalo at trice to beat advantage sa kanilang ikalawang laban sa 74th season ng UAAP Men’s Basketball tournament sa Smart Araneta Colliseum Sabado (Setyembre 10) sa iskor na 62-46.

Bumuslo ang Falcons 25 puntos sa second half ng laro para wakasan ang kanilang 29 game losing streak sa Ateneo mula noong pang 1997.

Humataw si Alex Nuyles na may 21 puntos, 7 rebounds at 2 assits.

Tumaas ang field goal percentage ng Falcons na umabot sa 40 porsiyento.

Sigurado na sa ikalawang puwesto ang Falcons at may twice to beat advange sa final four.

Samantala, kapwa winakasan ang kampanya ng UE Red Warriors at UP Fighting Maroons sa second round ng regular season.

Wagi ang UE sa iskor na 68-54.

Tumikada si Bibboy Enguio na may 18 puntos, 6 rebounds 4 steals at 2 blocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply