Fare hike sa LRT, MRT di napapanahon – Senado

MARIING tinututulan ng mga senador ang isinusulong na fare hike sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit maging ang pagtaas ng government fees at pangunahing bilihin.

Dumarami ang mga senador na nanawagan na ipagpaliban ang pagpapatupad ng dagdag sa singil sa pamahase sa LRT at MRT maging ang pagtaas ng government fees at pangunahing bilihin.

Sinabi ni Sen. Bong Revilla na sinusuportahan niya ang resolusyon ni Sen. Joker Arroyo na humaharang sa pagpapatupad ng Malakanyang ng karagdagang singil sa pamasahe sa MRT at LRT.

“In the face of the rising cost of basic commodities and services being implemented by private companies, additional financial burden coming from the government itself is the least that the more than a million MRT and LRT daily commuters wants and hopes for,” ayon kay Revilla.

Mariing iginiit ni Revilla na hindi napapanahon ang mga pagtaas sa mga nabanggit na serbisyo at bilihin dahil tiyak na magpapahirap ito sa buhay ng mamamayan.

Sinabi rin ngayong umaga (Lunes) ni Sen. Ralph Recto, chairman ng Senate ways and means committee, na hindi tama ang ginawang dahilan ng Palasyo na itaas ang singil sa pamasahe sa LRT at MRT sa Metro Manila dahil ang mga taga-probinsya ang nadadamay sa subsidiya.

Iginiit niya, na malaki ang nakokolektang buwis ng gobyerno mula sa Metro Manila kaysa mga lalawigan kaya hindi tamang sabihin na ang mga taga-probinsya ang bumabalikat ng subsidiya sa MRT at LRT.

Ani Recto, hindi dapat pagsabay-sabayin ng gobyerno ang pagtaas ng mga bayarin at bilihin gayong wala namang fiscal crisis.

Una na ring kinuwestyon ni Sen. Manny Villar kung bakit isasabay pa ng administrasyon ang pagtaas sa mga government charges sa patuloy na pagtaas sa mga presyo ng bilihin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply