Fare hike sa MRT-LRT kontra-produksiyon

NANINIWALA si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na mas hihina ang produksiyon ng bansa kapag itinuloy ng gobyerno na itaas ang singil sa pasahe ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit dahil babagal ang galaw ng manggagawa.

Sinabi ni Revilla na kanyang sinusuportahan ang resolusyon na inihain ni Sen. Joker Arroyo na humihiling kay Pangulong Benigno Aquino III na itigil ang pagpataw ng panibagong singil sa pasahe sa MRT-LRT sa harap ng lomolobong halaga ng bilihin.

Kapag itinuloy aniya ng gobyerno ang pagpataw ng panibagong pabigat sa pasanin ng mamamayan, magreresulta ito ng pagtaas sa pasahero sa public utility vehicle na magpapabagal sa pagkilos ng manggagawa.

“As I said before, after the fare increase, expect decrease in the number of LRT and MRT commuters.  This would result in the increase of PUV passengers and slow movement of our labor force,” aniya.

Sinabi pa ni Revilla na anumang paghihigpit ng sinturon ng gobyerno sa paggastos, na ipinamamarali mismo ng Pangulo, hindi nito mapapasigla ang ekonomiya na inaasahan ng government economic managers, sa pagtataas ng singil sa pamahalaan kung wala namang pera ang taumbayan na gagastusin.

Aniya, naiintindihan nito na hindi dapat magbayad ng subsidyo ang buong bansa para lamang sa iisang rehiyon, pero dapat din na tignan na hindi lahat ng regular na pasahero ng MRT at LRT ay permanenteng residente ng Kamaynilaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply