Fare hikes, toll VAT di magiging pabigat sa taumbayan

NANINIWALA ang Malacañang na hindi hahantong sa ‘social unrest’ ang pagpapatupad sa toll value added tax (VAT), pagtataas sa bayarin sa kuryente at nakaambang fare hike sa MRT at LRT.

Una nang sinabi ni Sen. Ralph Recto na ang mga nabanggit na pasanin ng taongbayan ay sapat na sangkap sa pag-alburuto ng mamamayan.

Hindi rin umano malayong mangyayari sa Pilipinas ang sinapit na kaguluhan sa Syria kung hindi maaagapan ng gobyerno.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sensitibo naman ang gobyerno sa mga pangyayari at hindi nagpapabaya sa concern ng mamamayan.

Ayon kay Valte, ang MRT/LRT fare hike at toll VAT ay may basehan para mapabuti ang serbisyo ng gobyerno.

Gagamitin sa railways development ang dagdag na pasahe sa MRT at LRT habang ang ipinataw na buwis sa toll fee ay dinesisyunan na ng Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply