‘Father Reyes’ patay sa dengue sa Surigao

ISANG Parish Priest ang binawian ng buhay sa isang pagamutan dahil sa sakit na dengue makaraang hindi kaagad nalapatan ng lunas sa Surigao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Rev. Father Cesar Reyes, 47, Parish Priest ng La Purisima, Conception.

Sa ulat na ipinarating sa Office of Civil Defense –DOH, dadalhin ang bangkay ni Father Reyes sa bayan ng Tago, Surigao del Sur matapos malagutan ng hininga sa Adela Sierra–Ty Memorial Hospital sa Surigao del Sur.

Nabatid na nitong pang Setyembre 1, 2011 nang nadiskubre ang sakit na dengue ng pari at nakatakda sanang dalhin sa Davao Hospital para doon ipagamot ngunit binawian na nang buhay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply