Fetus ikinahon, itinapon

INILAGAY sa kahon ng sapatos bago itinapon sa kalye ang isang fetus na lalaki sa Caloocan City na natagpuan kaninang madaling araw (Sabado, Setyembre 3).

Tinatayang nasa lima hanggang anim na buwan na ang fetus na lalaki na nakita sa Riverside, Manggahan GSIS Village ng lungsod.

Sa pahayag ng saksing si Mercy Ortesa, 31, dakong alas-2:00 ng madaling araw, naglalakad siya sa nasabing lugar nang mapansin ang kahon ng sapatos na may nakalawit na maliit na paa.

Nang buksan niya ito ay tumambad sa kanya ang fetus.

Kanyang ipinagbigay-alam agad sa tanod ng barangay ang nakita.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nagtapon ng fetus sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply