Fetus natagpuan sa pagitan ng 2 nitso

INIWAN na lang basta sa pagitan ng dalawang nitso at hindi na inilibing ang isang lalaking fetus na natagpuan sa Navotas City Cemetery kaninang madaling araw (Lunes, Setyembre 12).

Tinatayang nasa walong buwan ang fetus na nakabalot sa diaper bago isinilid sa itim na plastic.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang may makakita sa plastic bag sa pagitan ng dalawang nitso sa naturang sementeryo sa San Jose ng lungsod.

Laking gulat ng nakapulot na fetus ang laman ng plastic.

Dahil dito, agad na inireport sa pulisya at inaalam na sa kasalukuyan kung sino ang nag-iwan ng fetus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply