FG dinikdik ng ex-judge sa ’04 elections fraud

NADIKDIK na naman nang todo si dating First Gentleman Mike Arroyo sa malawakang dayaan 2004 presidential election matapos tumestigo sa Senado ang isang dating hukom na nagsasabing siya mismo ang gumawa ng paraan upang manalo si dating Pangulo, ngayon Pampanga ay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni dating Judge Nagamura Moner na kinontak siya ni dating Ninoy Aquino International Airport (NAIA) General Manager Alfonso Cusi upang mapalitan ang resulta ng eleksiyon sa Tawi-Tawi.

“I was instructed to proceed to Bungaw, Tawi-Tawi to see firsthand the election for the president (Arroyo). The instructions was to find contacts with election officers including paying them off if necessary to make GMA wins,” ayon kay Moner

Aniya, nanggaling ang instructions mula kay Cusi na palaging kasama ni Mike Arroyo sa tuwing makikipag-usap sa kanya hinggil sa gagawing manipulasyon sa resulta ng halalan sa Tawi-Tawi.

Sinabi pa ni Moner na binigyan siya ng P3 milyon ng dating unang ginoo sa isang hotel sa Bungaw, Tawi-Tawi na gagamitin upang pambayad o panuhol sa election officers na magsasagawa ng manipulasyon sa resulta ng halalan.

“All of the Lakas candidates from national to local level are all losing in Tawi-Tawi and the opposition candidate for governor, including Fernando Poe Jr., was winning a clean slate in the prescint level,” aniya.

“GMA lost in Tawi-Tawi, your honor,” giit pa ni Moner.

Sa ganitong punto, sinabi ni Moner na pinadalhan siya ng P300,000 upang maghanap ng kontak na kukuha o mangangalap naman ng election officers na magsasagawa ng hokus-pokus sa resulta ng eleksiyon.

Tinukoy ni Moner ang kanyang kontak na sina PO2 Al Frazasd Sabal na binigyan niya ng P100,000 gayun din ang isang Judge Aribani upang maghanap ng kontak na election officers sa gagawing operasyon.

Ngunit, sinabi n Moner na napatay si Sabal ilang panahon matapos ang halalan nang magtangka siyang gumawa ng affidavit hinggil sa nangyaring manipulasyon ng halalan sa Tawi-Tawi.

Hindi nalaman ng awtoridad ang pangyayari sa likod ng pagkamatay ni Sabal, ayon kay Moner.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply