FG inasar ni Kiko sa plunder case

LANTARAN ang ginawang pang-aasar ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kay dating First Gentleman Miguel “Mike” Arroyo sa kasong plunder na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) hinggil sa maanomalyang bentahan ng segunda manong helicopter sa Philippine National Police (PNP).

Sa ipinalabas na pahayag matapos suportahan ang pagkilos ni Chief Supt. Samuel Pagdilao, hepe ng CIDG, sa pagsasampa ng kaso, sinabi ni Pangilinan na dapat humanda-handa nang mabuti si Mr. Arroyo sa kinahaharap na kaso.

Sinabi ni Pangilinan na hindi mapapasubalian ng kampo ni Arroyo na talagang “patungo” sa pintuan ng LTA ang lahat ng ebidensiya at testimonyang nakalap ng Senate Blue Ribbon Committee sa isinagawang imbestigasyon nito.

“Both testimonial and documentary evidence lead to the doorsteps of Mike Arroyo as the true owner of the choppers. Mr. Arroyo et al should prepare well for his defense,” ayon kay Pangilinan.

Kahapon, (Biyernes,Setyembre 2) isinampa ng CIDG sa Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay Arroyo kabilang ang 26 retirado at kasalukuyang opisyal ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagbebenta ng lumang helicopter noong 2009.

Napatunayan ng CIDG na may probable cause sa pagsasampa ng kasong plunder laban kay Arroyo at iba pa dulot ng ebidensiya na nakalap ng Senate Blue Ribbon Committee at testimonya ng mga tunay na nakasaksi sa anomalya.

Sinabi pa ni Pangilinan na dapat magsilbing babala ang kasong plunder laban kay Arroyo sa lahat ng opisyal at tauhan ng gobyerno na lumalabag at nagbabalewala sa batas.

“No one is above the law, not even the husband of a former President,” aniya

“And when the time comes, neither is a former President,” dagdag ni Pangilinan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply