FG kakasuhan din ng Senado

PANIBAGONG kaso ang ihahain laban kay dating First Gentleman Miguel “Mike” Arroyo at mga kasabwat nito sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa maanomalyang bentahan ng segunda manong helicopter noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Inihayag ito ngayon (Sabado, Setyembre 3) ni Sen. Panfilo Lacson matapos tiyakin na hindi mapipigilan ang Senado sa pagsasampa ng panibagong hiwalay na kasong plunder case sa Ombudsman base sa ebidensiya na nakalap ng Senate Blue Ribbon Committee.

“We may likewise opt to include more individuals like Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo, Atty. Lope Velasco, and Rowena del Rosario at least for perjury and/or falsification of public and private documents,” paliwanag ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na puwedeng amyendahan ng Senado ang kasong isinampa laban kay Mike Arroyo at iba pa, kapag natapos ang pag-aaral ng komite sa mga batas na nilabag sa bentahan ng lumang helicopter.

“Lastly, we may also consider to amend the charges against Mike Arroyo et al if we see it fit to file the more appropriate criminal charges in order to ensure their conviction,” aniya.

Natuklasan ng Blue Ribbon Committee na pag-aari ng kompanya ni Arroyo, ang LTA Inc., ang dalawa sa tatlong helicopter na ibinenta sa PNP at minaniobra ng ilang opisyal ng pulisya ang specifications upang umangkop sa sasakyan ni Arroyo.

Kahapon (Biyernes), inihain ng CIDG ang kasong plunder sa Ombudsman laban kay Ginoong Arroyo at mahigit 26 retirado at kasalukuyang opisyal ng PNP.

Ipinaalala naman ni Lacson kay Arroyo na panahon ngayon ng paniningil sa pang-aabuso sa kapangyarihan sa siyam na taong panunungkulan ng kabiyak nito, si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“If Mike Arroyo still does not get it, nobody in this world stays in power forever. It is payback time for the Filipino people and all those cheated of their taxes in this country,” aniya.

Ngunit, inamin ni Lacson na pursigido siyang habulin ang pang-aabuso ng dating unang ginoo.

“There’s one among his numerous accusations against me that I won’t argue albeit partially, if it is consolation enough for him: my motivation in running after him is 50 percent patriotism and 50 percent personal,” ani Lacson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply