FG sa jueteng, smuggling alam lahat ni GMA

KAHIT alam ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mga koneksyon ng mister na si Jose Miguel “Mike” Arroyo sa sindikato ng sugal na jueteng ay hindi umano umaksyon ang una.

Ito ang ipinahayag sa U.S. embassy cable na isiniwalat na tinaguriang whistleblower group na WikiLeaks.

Batay sa nabanggit na report, taong 2005 umano ng magsumbong sa ilang United States government officials ang mga top Filipino business leader kaugnay sa talamak na illegal activities ng unang ginoo.

Kabilang umano rito ang isyu sa jueteng at mga major smuggling syndicates.

Partikular na tinukoy sa naturang embassy memo ang report ni Washington Sycip, ang founding partner ng accounting firm na SGV.

“President Arroyo, according to Sycip, is aware of her husband’s misdeeds, but she is unwilling to do anything to curb his activities because he was instrumental in marshaling campaign donations and is now keeping those supporters in line to help her maintain her grip on power.”

Maliban sa former First Gentleman, pinangalanan din ang former presidential son at ngayon ay partlist Rep. Mikey Arroyo, na umano’y sangkot din sa jueteng.

Ayon pa kay Sycip, binabalewala lamang umano ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang payo ng kaniyang advisers kaugnay sa isyu ng katiwalian sa kaniyang administrasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply