Filipino sa debate ng RH bill gagamitin lang kay Lapid

HATI ang mga senador sa posisyon sa panukalang paggamit ng wikang Filipino sa debate sa plenaryo ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Kasunod ito ng pagsusulong ni Senador Lito Lapid na gawin sa wikang Filipino ang talakayan dahil hindi niya masyadong naiintindihan ang salitang English lalo na kung kaharap si Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Sen. Chiz Escudero, mainam na “Taglish” ang gamitin dahil hindi lahat ng termino ay maisasalin sa wikang Filipino.

Inihalimbawa ni Estrada ang wikang “sperm” na aniya’y hindi niya kayang sabihin sa wikang Tagalog dahil malaswa.

Sa ilang linggong debate ng mga senador sa RH Bill, maririnig ang mga salitang, sperm, masturbation, ejaculation at sexual intercourse.

Samantala, sinabi naman sina Senate Majority Leader Tito Sotto at Senador Panfilo Lacson na hindi na kailangan pang baguhin ang rules sa Senado para sa gagamiting wika sa halip ay sariling pag-iingat lamang ang kailangan.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, isa pang problema sa paggamit ng wikang Filipino ay ang live coverage ng media, kung saan maaaring may mga menor de edad na manonood o makikinig.

Una na ring sinabi nina Santiago at Sen. Pia Cayetano na walang problema na gumamit sila ng wikang Filipino kung si Lapid ang kaharap sa debate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply