Final four teams papalo na sa Linggo

SISIMULAN na ang paluan sa Linggo (Setyembre 11) ang Final four teams sa Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan City.

Tampok sa double-header games ang salpukan ng San Sebastian College-Recoletos Lady Stags at ng Philipine Navy Lady Sailors kasunod ng hagupitan ng Philippine Army Lady Troopers at ng Ateneo Lady Eagles.

Ang Lady Eagles ay ang ikaapat na koponan at pinakahuling nakapasok sa finals nang palagapakin ang Airforce Airwomen sa loob ng 5 sets, 25-23, 11-25, 25-17, 19-25, 15-9 sa loob isang oras at 55 minuto sa playoff.

Sina Alyssa Valdez at Fille Cainglet ang nagtala ng pinagsamang 36 hits habang sina Dzi Gervacio at Gretchen Ho ang pumalo ng 14 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ang libero na si Den Den Lazaro ang itinanghal na best player of the game sa 13 digs na pambihirang performance ng isang libero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply