Finex Fun Run sa MOA

SA LAYUNING makapagbigay ng suporta sa Philippine Red Cross, isang makabuluhang patakbo ang sisikad bukas (Setyembre 25) sa rutang nakalatag sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Binansagang 2nd Fenix Fun Run na may distansyang 16 kilometro na may kalakip na side events patakbo na 10-kilometer, 5-kilometer at 3-kilometer.

Pararangalan ng sponsor na Financial Executives Institute at ng Argent Network International Corporation ang unang tatlong babae at lalaki sa apat na kategorya.

Dadagsain ang patakbo para makamit ang pasadyang medalya sa mga top finishers.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa mga telepono bilang (02) 482-5143 at hanapin si Gay Maddela o Michael Vinluan sa telepono bilang (02) 811-4052. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply